Ipreserba ang mga Lumang Retrato ng Iyong Pamilya Bago Mawala ang mga Ito

Ang lahat ay may mga lumang litrato ng pamilya na nakatago sa mga drawer, album, at attic. Pinapadali ng FamilySearch na ipreserba, isaayos, at ibahagi ang mga litrato, kuwento, at dokumento ng iyong ninuno upang magbigay-kasiyahan ang mga ito sa maraming henerasyon.

Paano Ito Isinasagawa

Gawing mga nakapreserbang alaala ng pamilya ang mga lumang retrato ng pamilya sa ilang hakbang lang.

Hakbang 1

Mag-upload ng isang lumang retrato ng pamilya

Kumuha ng retrato o i-scan ang anumang lumang retrato ng pamilya, kahit na ito ay kupas, punit, o nakalagay sa isang lumang album.

Hakbang 2

Magdagdag ng mga pangalan at detalye

I-tag ang mga tao sa retrato, magdagdag ng mga petsa, lugar, at kuwento, at ikonekta ang retrato sa tamang ninuno.

Hakbang 3

Ibahagi ito sa iyong pamilya

Kapag na-upload na ang iyong retrato, maaaring matuklasan ito ng mga kamag-anak, masiyahan sila rito, at magdagdag sila ng higit pang impormasyon sa iyong ibinahaging kuwento ng pamilya.

Lumang retrato ng kasal na may mga naka-tag na tao.

Higit pa sa mga Retrato

Tinutulungan ka ng FamilySearch Memories na magpreserba ng higit pa sa mga retrato. Maaari ka ring magdagdag ng mga kuwento, tala, at tinig na magbibigay-buhay sa kasaysayan ng iyong pamilya.

Mga Retrato

Mag-upload ng mga retrato ng iyong pamilya at mga ninuno, ang mga ito man ay na-scan, nakuhanan ng retrato, o digital na.

Mga Dokumento

Magpreserba ng mga na-scan na liham, journal, sertipiko, resipe, papeles ng militar, at iba pang mga tala ng pamilya.

Mga Kuwento

Mag-type ng mga kuwento, alaala, at detalye ng pamilya na nagpapaliwanag kung sino ang iyong mga ninuno at kung ano ang mahalaga sa kanila.

Mga Audio

I-record o i-upload ang mga tinig ng mga magulang, lolo’t lola, at kamag-anak na nagsasabi ng kanilang mga kuwento sa sarili nilang mga salita.

Mga Album

Gamitin ang mga album para sa mga koleksiyon ng mga kaugnay na alaala.

Magsimula Ngayon

Gamitin ang mga makapangyarihang feature na ito upang ipreserba at ibahagi ang iyong mahahalagang alaala.

Bakit Pipiliin ang FamilySearch Memories?

Maraming app na maaaring mag-imbak ng mga retrato. Ang FamilySearch Memories ay dinisenyo upang mapreserba ang kasaysayan ng pamilya sa mga paraan na hindi magagawa ng ibang serbisyo.

Libre at nakapreserba para sa mga susunod na henerasyon

Ang mga makasaysayang tala ay kadalasang nakapagbubunyag ng mahahalagang detalye tungkol sa kung saan tumira ang iyong pamilya.

Nakaayos ayon sa mga tao at kuwento

Hindi tulad ng isang karaniwang app ng retrato, direktang ikinokonekta ng FamilySearch ang mga retrato, dokumento, kuwento, at audio sa mga tao sa iyong family tree.

Nakakonekta sa isang ibinahaging family tree

Ang isang malayong kamag-anak ay maaaring nakapag-upload na ng mga retrato, kuwento, o tala tungkol sa iyong ninuno.

Ligtas at angkop para sa pamilya

Gumagamit ang FamilySearch ng magagalang na pamantayan sa nilalaman at pinananatili nitong pribado ang mga alaala para sa mga taong buhay.

Nananatili kang may kontrol

Piliin kung ang isang alaala ay pampubliko, pribado, o ibinahagi sa isang grupo. Hindi ibinebenta ng FamilySearch ang iyong datos.

Itala kaagad ang kasaysayan ng pamilya habang nangyayari ito

Hindi mo alam kung kailan magkakaroon ng isang klasiko o makabagbag-damdaming kuwento ng pamilya o pagkakataong kumuha ng retrato. Maging handa gamit ang FamilySearch Memories mobile app.

Kunin ang Memories app!

Mga Bagay na Madalas Itanong

Huwang Hayaang Manatiling Nakatago ang mga Lumang Retrato ng Iyong Pamilya!

Mahalaga ang mga kuwento sa likod ng iyong mga retrato! Ipreserba ang mga ito ngayon upang magbigay-kasiyahan ang mga ito sa iyong pamilya sa maraming henerasyon.

O mag-sign in gamit ang: